Thursday, March 20, 2014

Gitara(Alas dos ng umaga)

Alas dos ng Umaga 
Maingay ang kapit bahay 
Naka tingin sa salamin
Ikaw ang naaalala 

Nakaka bingi ang katahimikan
Mga taong gising pa sa ganitong oras
Nakikinig sa Youtube
Puro Gitara ang nasa utak ko

Isa pala akong Gitarista?
O, gitarista na walang Gitara
"Air Guitar" kung tawagin
Pangarap na lang ang gitara

Masaya, malungkot at wala lang
Gitara ang nasa isip ko
Gitara ang naaalala ko
Ito ang aking kaligayahan

Mag Alas-tres na matulog na ako
Bukas ay pwede ulit mag gitara
Gitara ng aking buhay
Gitara na bibilihin ko palang

Turuan mo ako mag Gitara.

No comments:

Post a Comment