Mata Mo
Di ko mawari sa aking isip Na magkakilala ang dalawang nilalang Sa isang lugar na makasalanan Sa mata ng lipunan Nabighani agad ako sa taglay mong Aura Tinalo mo pa sa Paraluman kung makatingin Bigla mong pinahulog ang puso ni Makoy Anong meron ka at di kita malimutan? Kanta, Tagay at tawanan Di na malayan magtatapos na ang oras Sa isang silid na di pwede lumabas ang sekreto Ng nakakarami, Ang silid lang ang makaka alam Bigla mo akong tinawag at sinabi " Kailangan ko na umalis " Oras na, hanggang dito na lang ang kaligayahan Pinag mamasdan ka at nagpapa alam sa iyong mga Mata.