Saturday, May 6, 2017

Mata Mo


Di ko mawari sa aking isip
Na magkakilala ang dalawang nilalang
Sa isang lugar na makasalanan
Sa mata ng lipunan 

Nabighani agad ako sa taglay mong Aura
Tinalo mo pa sa Paraluman kung makatingin
Bigla mong pinahulog ang puso ni Makoy
Anong meron ka at di kita malimutan?

Kanta, Tagay at tawanan
Di na malayan magtatapos na ang oras
Sa isang silid na di pwede lumabas ang sekreto
Ng nakakarami, Ang silid lang ang makaka alam

Bigla mo akong tinawag at sinabi
" Kailangan ko na umalis " 
Oras na, hanggang dito na lang ang kaligayahan
Pinag mamasdan ka at nagpapa alam sa iyong mga Mata.

No comments:

Post a Comment